Add parallel Print Page Options

Ipaalala mo sa kanilang (A)pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,

Na huwag magsalita ng masama tungkol (B)sa kanino man, na (C)huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.

Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon (D)ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.

Read full chapter